Dahan dahan.
- christinecamasura
- May 5, 2019
- 1 min read
Updated: May 12, 2019

"Dahan dahan."
Ang mga salitang paulit ulit sa aking isipan.
Ang bukambibig ng aking pusong
minsan naging sugatan.
Dahan dahan, aking mahal.
Patawad kung ako’y mahirap maabot.
Patawad kung masyadong mataas ang aking bakod
Ang puso ko’y minsan ng nasaktan
Kaya naman hindi na ganun kadali sa akin ang ito’y muling buksan.
Saksi ang Diyos at ang mga tala,
Sa mga luha ko’t pangungulila
Nang minsan ako ay nagmahal ng maling tao
Nang buksan ko ang puso ko sa kanya ng buong buo.
Dahan dahan, aking mahal.
Patawad kung ang “oo” ko’y hindi madaling makuha
Natuto lang ako sa mga pagkakamali ko noon.
Bawat sugat, bawat sakit
Sa akin ay nagdulot ng matinding marka.
Kaya naman hindi na basta basta
Para sa akin na muling magtiwala.
Dahan dahan, aking mahal.
Nawa’y hindi ka mapagod na ako’y suyuin
Pagsilbihan, unawain at mahalin.
Dahan dahan, aking mahal.
Ako ay muli na ring natututo
Kung paano ba magmahal ng totoo.
Dahan dahan, aking mahal.
Ang puso ko’y binubuksan sayo
Hawak ang pangakong totoo
Mula sa Diyos nating mahal tayo.
Dahan dahan, aking mahal.
Nawa’y wag magmadali
Nawa’y iyong maunawaan
Ang puso kong minsang sugatan
Dahan dahan kong binibuksan
Para sayo,
Para sa Kanyang pangako,
Bagong buhay, bagong pag-asa
Panghabangbuhay na kabanata
Ng mga puso nating itinadhana
Comentários