top of page
Search

Bulong

  • christinecamasura
  • Dec 10, 2019
  • 1 min read


Maghulos dili at h'wag magmadali

Dahan dahan, o pusong marupok.

Tanda mo pa ba ang sabi nila?

Na ang tunay na pag-ibig ay hindi pinipilit,

Hindi padalos dalos.


Matutong maging mahinahon,

Turuang pakalmahin ang nag-aalab na damdamin.

Oo, alam kong nagsusumigaw ang iyong puso,

Ngunit hindi pa ito ang takdang panahon.


Kaya naman ibubulong na lang muna...

Ibubulong sa Diyos Ama ang mga nais sabihin sayo.

Ibubulong sa Kanya ang mga pangarap at dasal ko.

Nagbabaka sakaling sa dulo, tayo rin naman pala.

 
 
 

Recent Posts

See All
Balang Araw (Part 2)

Balang araw mapapalitan rin ang iyong mga lumbay ng walang hanggang ligaya, Balang araw mapapalitan rin ang iyong mga tanong ng...

 
 
 
Balang Araw

Balang araw darating ang sagot sa mga tanong ng puso mong sugatan. Balang araw lubos na maiintindihan kung bakit kailangangn pagdaanan...

 
 
 

Comments


bottom of page