Balang Araw (Part 2)
- christinecamasura
- Nov 25, 2019
- 1 min read
Updated: Dec 10, 2019
Balang araw mapapalitan rin ang iyong mga lumbay
ng walang hanggang ligaya,
Balang araw mapapalitan rin ang iyong mga tanong
ng pagpupuri't pasasalamat sa Diyos Ama.
Bawat sakit, bawat iyak,
Bawat pait ng nakaraan,
Ang lahat ay may dahilan.
Ang lahat ay kailangang pagdaanan,
Ang lahat ay may ituturo sa ating aral,
Paghahanda sa atin para sa takdang panahon.
Ang lahat ng ito ay hindi sayang
Dahil sa pangakong panghabambuhay ng Maykapal.
Balang araw, mapapalitan ang iyong lungkot sa mata
ng isang malaking ngiti, sabay sabi ng
"Lord, kaya naman pala."
Comments