Balang Araw
- christinecamasura
- Nov 22, 2019
- 1 min read
Balang araw darating ang sagot
sa mga tanong ng puso mong sugatan.
Balang araw lubos na maiintindihan
kung bakit kailangangn pagdaanan ang mga sakit ng nakaraan.
Saan ba ako nagkulang?
Hindi ba ako karapat dapat?
Bakit ang tagal naman?
Balang araw lubos mong maiintindihan.
Na walang kulang sayo.
Sa Aking pag-ibig at mga pangako sayo, ikaw ay buong buo.
Na ikaw ay bukod tangi at karapat dapat,
May taong nakalaan para sayo.
Balang araw lubos mong maiintindihan
na ang pag-ibig ay may itinakdang panahon.
Balang araw masasagot rin ang iyong mga tanong.
Ngunit ngayon,
Maghintay, matutong lubos magtiwala.
May plano sayo si bathala.
Comments