top of page
Search

Baka Naman.

  • christinecamasura
  • Jul 26, 2019
  • 1 min read

Updated: Nov 13, 2019



Baka naman pwedeng siya na,

Baka naman pwedeng pagbigyan ang aking hiling.

Ngunit may bumubulong sa aking isip,

Nagsasabing maghintay lang, o pusong marupok.


Sa bawat "baka naman" na aking sambit,

Ay siya namang bulong na "hindi pa" ng tinig sa aking isip.


Hindi pa.

Maghintay ka pa ng kaunti,

Magtiwalang lubos at wag magmadali.

Higit pa dyan ang kaya Kong ibigay,

Higit pa dyan ang plano Ko sayong panghabambuhay.


Matutong maghintay, o pusong marupok.

Huwag magpadala sa bugso ng damdamin.

Sa Kanyang mga pangako sayo ikaw ay kumapit,

Naririnig ng Diyos ang iyong mga panalangin.


Sa bawat "baka naman" na aking hirit,

"Higit pa dyan ang para sayo" naman ang bulong ng langit.

 
 
 

Recent Posts

See All
Balang Araw (Part 2)

Balang araw mapapalitan rin ang iyong mga lumbay ng walang hanggang ligaya, Balang araw mapapalitan rin ang iyong mga tanong ng...

 
 
 
Balang Araw

Balang araw darating ang sagot sa mga tanong ng puso mong sugatan. Balang araw lubos na maiintindihan kung bakit kailangangn pagdaanan...

 
 
 

Comments


bottom of page